Lacson, Sotto, walang pinatatamaan na mga kapwa kandidato sa pagbanggit ng magnanakaw
Nilinaw ni presidential candidate Panfilo Lacson at ng kanyang running mate na si Vicente Sotto III na pinanindigan nila na hindi sila maninira ng mga kapwa nila kandidato.
Kapwa din iginiit ng tambalan na itutuloy lang nila ang kanilang ‘issues-based campaign’ at hindi maninira ng mga kalaban.
Ginawa nila ang paglilinaw matapos maakusahan sila nang paninira ng mga kapwa kandidato para lang makakuha ng ‘pogi points’ sa mga botante.
“Pag sinabi kong galt kami sa magnanakaw, galit kami sa magnanakaw. Wala kaming sinasabing galit kami kung kanino. Walang tao. Kung may tinatamaan, hindi namin kasalanan ni Senate President ‘yun,” sabi ni Lacson.
Ibinahagi pa nito na may tumawag sa kanya na isang supporter ng kapwa kandidato sa pagka-pangulo at pinakiusapan siya na maghinay-hinay sa pag-atake sa mga kalaban.
Nilinaw ni Lacson sa kausap na wala silang pinatatamaan ni Sotto sa tuwing ipinapaliwanag nila ang kanilang adbokasiya na walisin ang mga tiwali sa gobyerno.
Dagdag pa ng presidential candidate ng Partido Reporma na sila pa ni Sotto ang tinatarget ng black propaganda sa mensahe na sinisiraan nila ang mga kapwa kandidato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.