WATCH: Pacquiao, pinayuhan si Marcos Jr. na makiisa sa mga debate

Photo credit: Sen. Manny Pacquiao/Facebook

Pinayuhan ni PROMDI presidential candidate Senador Manny Pacquiao ang katunggaling si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na dumalo sa mga ikinakasang debate.

Ayon kay Pacquiao, ito ay para hindi mapahiya at makantyawan ang mga tagasuporta ni Marcos.

Madali lang naman kasi aniya ang mga debate.

Ayon kay Pacquiao, sasagot lang naman sila sa mga tanong na ipinupukol sa kanila.

Sa Pebrero 27 nakatakda ang presidential debate na inorganisa ng CNN Philippines.

Sa mga kandidato sa pagka-pangulo, tanging si Marcos ang hindi dadalo.

Narito ang pahayag ni Pacquiao:

Read more...