WATCH: Pacquiao, pinayuhan si Marcos Jr. na makiisa sa mga debate
Pinayuhan ni PROMDI presidential candidate Senador Manny Pacquiao ang katunggaling si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na dumalo sa mga ikinakasang debate.
Ayon kay Pacquiao, ito ay para hindi mapahiya at makantyawan ang mga tagasuporta ni Marcos.
Madali lang naman kasi aniya ang mga debate.
Ayon kay Pacquiao, sasagot lang naman sila sa mga tanong na ipinupukol sa kanila.
Sa Pebrero 27 nakatakda ang presidential debate na inorganisa ng CNN Philippines.
Sa mga kandidato sa pagka-pangulo, tanging si Marcos ang hindi dadalo.
Narito ang pahayag ni Pacquiao:
WATCH: Presidential bet Senator Manny Pacquiao on having debates with former Senator Bongbong Marcos: Sana mag-attend siya dahil para hindi mapahiya ang mga supporters niya. Syempre kakantyawan ang mga supporters niya para mag attend siya. Sagutin lang naman ang mga tanong. pic.twitter.com/ScqjlbTVJF
— chonayuINQ (@chonayu1) February 23, 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.