Team leader ng CPP-NPA, sumuko sa mga awtoridad

Sumuko ang isa sa mga team leader ng Communist-Terrorist Group (CTG) sa Eastern Visayas police, araw ng Martes (February 22, 2022).

Ayon kay PRO 8 Regional Director, Police Brig. Gen. Bernard Banac, sumuko si Dennis Loberando alyas “Yamog” o “Clem” sa Barangay Dumalo-ong sa Gandara, Samar.

Team leader si Loberando ng Squad 1 SYP Platoon Zandrew.

Isinuko nito sa mga pulis ang isang 9mm Smith and Wisson revolver, limang bata, at isang fragmentation grenade.

Sa ngayon, si Loberando ay nasa kustodiya ng Gandara Municipal Police Station.

Inendorso rin ng mga awtoridad si Loberando na makatanggap ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno para sa mga dating rebelde.

Hiniling din ni Banac na publiko ang patuloy na pag-aalay ng panalangin para sa kapayapaan at kaunlaran ng Region 8.

Read more...