OCTA: Angeles, Lucena nasa ‘very low’ category na sa COVID-19
Patuloy ang pagbaba ng COVID-19 positivity rates at average daily attack rate (ADAR) sa National Capital Region (NCR) at iba pang probinsya sa bansa, ayon sa OCTA Research.
Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Guido David sa kaniyang Twitter account, sinabi nito na bumaba na sa ‘very low’ classification sa COVID-19 ang Angeles at Lucena na may kapwa dalawang porsyentong positivity rate.
Nasa ‘low risk’ category ang NCR, Bacolod, Butuan, Cebu City, Cotabato City, Dagupan, Lapu Lapu, Mandaue, Olongapo, Ormoc, Santiago, at Tacloban.
Kabilang naman sa ‘moderate risk’ classification ang Baguio City, Cagayan de Oro, Davao City, General Santos, Iligan, Iloilo City, Naga City, Puerto Princesa, at Zamboanga City.
Ayon kay David, sa Metro Manila, bumaba sa 2.75 ang ADAR, apat na porsyento ang positivity rate, habang nanatiling ‘very low’ ang reproduction number sa 0.20 at healthcare utilization rate sa 25 porsyento.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang February 22, nasa 56,668 pa ang bilang ng aktibong kaso sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.