Cebu Pacific nakapaghatid na ng higit 50-M doses ng COVID 19 vaccines
Higit 50 million COVID 19 vaccine doses na ang naihatid ng Cebu Pacific sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Ito ay malaking tulong para mas mapabilis ang pagpababakuna sa mga bata at senior citizens, gayundin sa pagtuturok ng booster shots.
Kabilang sa mga nahatiran ng Cebu Pacific ng mga bakuna ay ang mga lalawigan ng Bacolod, Boracay, Bohol, Butuan, Cagayan de Oro, Cauayan, Cebu, Cotabato, Davao, Dipolog, Dumaguete, General Santos, Iloilo, Legazpi, Kalibo, Masbate, Naga, Ozamiz, Pagadian, Puerto Princesa, Roxas, San Jose, Siargao, Tacloban, Tuguegarao, Tawi-Tawi, Virac, at Zamboanga.
“We are committed to keep supporting the national immunization program through the safe and timely delivery of COVID-19 vaccines across our widest domestic network,” sabi ni Alex Reyes, Chief Strategy Officer at Cebu Pacific.
Ibinahagi din ni Reyes na lahat ng kanilang flying crew ay bakunado bunga ng kanilang sariling employee vaccination program, ang JG Summit COVID Protect at sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.
Ikinasa na rin ng Cebu Pacific ang kanilang booster program para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga empleado at mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.