South Korea umatras sa 2023 FIBA Asian Qualifiers

By Jan Escosio February 22, 2022 - 09:03 PM

Tatlong manlalaro pa ng South Korea ang nag-positibo sa COVID 19.

 

Bunga nito, umatras na ang South Korea sa 2023 Fiba World Cup Asian Qualifiers na gaganapin dito sa bansa simula sa Huwebes, Pebrero 24 hanggang 28.

 

Unang napa-ulat na 12 players lamang ang maipapadala ng South Korea sa torneo dahil sa COVID 19.

 

Sa pangyayaring ito, talo na ang South Korea sa kanilang dapat na pakikipagharap sa Pilipinas, New Zealand at India.

 

Noong nakaraang linggo, ang kanilang naturalized center na si Ra Gun-A ar 2020 Korean Basketball League MVP Heo Hoon ay napaulat na kabilang sa mga players na nahawa ng COVID 19.

 

Noong 2020 hindi din nakapaglaro ang koponan sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers  sa Manama, Bahrain.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.