Manny Pacquiao okay sa Senate special session sa fuel tax moratorium

By Jan Escosio February 22, 2022 - 09:01 PM

Tiniyak ni PROMDI presidential candidate Manny Pacquiao ang pagdalo kung magpapatawag ng special session ang pamunuan ng Senado para talakayin ang pagsuspindi sa excise tax sa mga produktong-petrolyo.

 

Kontra din si Pacquiao sa plano na taasan pa ang mga buwis dahil nagpapatuloy ang krisis pangkalusugan bunga ng COVID 19.

 

Diin niya hindi pa nakakabawi ang ekonomiya at maraming Filipino pa rin ang walang trabaho.

 

Sinabi nito ang dapat ay palakasin ang non-revenue income tulad ng mga kinikita mula sa public utilities at mga government owned and controlled corporations (GOCCs).

 

Lumusot na sa  Mababang Kapulungan ang panukala na magpatupad ng moratorium sa paniningil ng excise tax sa mga produktong-petrolyo.

 

Ayon kay Pacquiao susuportahan niya ang anumang hakbang para magdaos ng special session ang Senado para matalakay ang anumang katulad na panukala sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

 

Duda pa nito ang sabwatan ng mga kartel sa mga kompaniya ng langis para samantalahin ang sitwasyon sa suplay at halaga ng langis sa pandaigdigang-pamilihan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.