Bagong Henerasyon Partylist, ‘poll winner’ sa May elections – survey

By Jan Escosio February 22, 2022 - 08:55 PM

Napabilang ang Bagong Henerasyon Partylist sa mga napili ng mayorya ng mga sumagot sa RP Mission and Development Foundation Inc. survey.

 

Kayat labis na natuwa si House Deputy Speaker Bernadette Herrera na maraming botante ang patuloy na nagtitiwala sa Bagong Henerasyon.

 

Base sa isinagawang survey ng RPMD noong Enero 22 hanggang 30, sa 40 partylist groups na pinili ng mga respondents, pumuwesto ang Bagong Henerasyon na pang-25.

 

Pagpapakita ito na nakakuha ang Bagong Henerasyon sa 1.68 porsiyento na sapat na para matiyak ang isang posisyon sa Kamara.

 

Ayon kay Herrera, pagpapatunay lang ito na naramdaman ng mamamayan ang pagbibigay nila ng serbisyong-publiko.

 

“Dito natin makikita na patuloy ang pagsuporta ng publiko sa Bagong Henerasyon Partylist. Malaki ang kanilang tiwala sa ating mga adbokasiya tulad ng gender equality at ang pagsusulong sa kapakanan at kaligtasan ng ating mga kababaihan at mga kabataan. Masigasig din nating isinusulong at patuloy na isusulong ang pagpapalakas sa maliliit na negosyante o negosyo, consumer protection, maayos na serbisyo ng internet at mga programa nating magbabangon sa ekonomiya,” ani Herrera.

 

Una na rin kinilala ng RPMD si Herrera bilang ‘top performing partylist lawmaker’ noong nakaraang Setyembre at nanguna sa mga mambabatas na may mataas na approval rating sa nakuha niyang 71 porsiyento.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.