1,019 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

By Chona Yu February 22, 2022 - 05:44 PM

Reuters photo

Aabot sa 1,019 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw, Pebrero 22.

Ayon sa Department of Health,  nasa 2,988 naman ang gumaling at 13 ang pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.6% (56,668) ang aktibong kaso, 96.9% (3,541,840) na ang gumaling, at 1.53% (55,776) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Pebrero 20, 2022 habang mayroong limang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

 

TAGS: bagong kaso, COVID-19, doh, news, Radyo Inquirer, bagong kaso, COVID-19, doh, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.