Willie Ong hindi nilaglag ni Isko

Nilinaw ng kampo ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno na nanatiling si Doctor Willie On gang vice presidential candidate ng partido sa eleksyon sa Mayo.

Pahayag ito ng Aksyon Demokratiko matapos Makita sa campaign sortie ni Moreno sa Bangsamoro Autonomous Region in muslim Mindanao ang campaign posters nina Moreno at vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Lito Banayo, political at campaign strategist ng Team Isko, personal niyang desisyon na hindi isama sa campaign sortie sa BARMM si Ong.

Paliwanag ni Banayo, naging hayagan kasi ang pag-suporta ng pamilya Maguindanao 2nd District Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu  lalo na sa Maguindanao na suportado nila ang tambalang Moreno-Sara Duterte.

“That was my call. That was my decision. Kasi nga, whenever you make sorties or campaign trips, you send an advance team, normally, four or 5 days beforehand, even a week beforehand. They called me up and they said, ‘Boss, puro streamers dito, Isko-Sara,’ tarpaulins, puro Isko-Sara,” pahayag ni Banayo.

“So I called up Doc Willie, and I said, Doc, baka mas mabuti po ‘wag kayong sumama sa Mindanao kasi I don’t want to put you in an embarrassing situation where ‘yung mga tarpaulins doon is Isko-Sara,” pahayag ni Banayo.

Ayon kay Banayo, kahit na ipinares si Moreno kay Duterte, mananatiling ka-tandem si Ong.

“He (Moreno) did not say he was supporting Sara at all. He didn’t say that at all. Pero doon kasi sa Maguindanao and Sultan Kudarat, wala rin naman silang sinabi, ‘yung mga speaker, ‘yung major power blocs, wala din naman silang sinabi na Isko-Sara,” pahayag ni Banayo.

Nasa 766,000 ang botante sa BARMM.

 

 

Read more...