Kabilang dito ang ang pag-iikot gamit ang kaniyang taxi para matignan ang sitwasyon sa mga lansangan.
Ayon kay Duterte, gagawin niya pa rin ang katulad ng kaniyang ginagawa sa Davao City na nag-iikot siya gamit ang taxi para tignan ang gawain ng mga masasamang loob.
Dagdag pa ni Duterte, hindi niya kailangan ng maraming bodyguards dahil naniniwala naman siyang kung talagang oras na niya ay oras na niya.
Aniya, konte o marami man ang nakabantay sa kaniya, ay masasawi siya kung talagang oras na.
Hindi rin umano siya natatakot dahil alam naman niyang walang magtatangka sa kaniyang buhay.
MOST READ
LATEST STORIES