Nangako si PROMDI presidential aspirant Manny Pacquiao na kabilang sa mga una niyang tutugisin kapag siya ang susunod na pangulo ng bansa ay ang mga landgrabbers.
Gayundin ang mga may-ari ng mga lupa na nagpapahirap sa mga magsasaka.
Ayon kay Pacquiao agad niyang ipag-uutos ang pag-iimbestiga sa mga reklamo ng mga magsasaka, na ang mga lupang sinasaka ay inagaw para gawing subdibisyon.
“Makikita nila sa first three years, iyong mga lupa na inangkin ng iba, iyong mga lupang walang kakayahan ang may-ari na ipaglaban ang sarili, ibabalik natin sa kanila,” diin ni Pacquiao.
Sinabi niya na marami sa mga nawalan ng lupa ay hindi nakapagbayad ng amilyar dahil sa kakapusan sap era.
Dagdag pa ng People’s Champ ipapasuri din niya ang mga polisiya ukol sa disposisyon ng mga lupa, partikular na ang mga para sa pagsasaka o pagtatanim.
Bubuo din aniya siya ng isang ahensiya na ang tanging mandato ay tulungan ang mga mahihirap na naagawan ng lupa ng mga mayayaman.