Dating vice mayor ng Unisan, Quezon sangkot umano sa P110-M halaga ng ilegal na kontrata sa QUEZELCO

February 22, 2022 - 07:04 AM

Wala pang ibinibigay na pahayag ang dating Unisan, Quezon Vice Mayor na si Danilo Suarez Jr. ukol sa umano’y pagkakasangkot sa ilegal na kontratang ipinasok noong siya ay nagsisilbi pa bilang direktor at presidente ng Quezon 1 Eelectric Cooperative, Inc. (QUEZELCO 1) mula taong 2013 hanggang 2016.

Hindi pa rin ito nagbibigay ng komento hinggil sa mga akusasyong may kinalaman sa pagbili ng mga kuntador na nagkakahalagang P110,000,000 na hindi umano dumaan sa tamang proseso ng bidding na mariing ipinapatupad ng National Electrification Authority (NEA).

Sa pagsusuri ng Committee on Investigation and Appeals (CIA), nalamang naglabas si Suarez ng mga resolusyon salungat sa Republic Act 9184 o Revised Procuremnet Act.

Dalawang beses na umanong naghain ng resolusyon si Danilo Suarez Jr. na nag-uutos para palawigin ang kontrata ng kooperatiba sa Enex Electric para sa pagbili ng ‘intech’ kwh meters, na hindi dumadaan sa public bidding.

Base rin sa ulat, bumili ang QUEZELCO 1 ng 3,600 na piraso ng intech kwh meters mula July hanggang December 2015 na tinatayang aabot sa P7.695 milyon ang halaga.

Maliban dito, noong 2016, muli itong bumili ng dagdag na 3,600 piraso ng nabanggit na kuntador sa parehong presyo.

Dahil dito, umabot na sa P110.9 milyon ang ginastos ng QUEZELCO 1 para sa pagbili ng intech kwh at iba pang kagamitan sa Enex Electric mula May 2013 hanggang December 2016.

Naging malamya rin ang aksyon ng QUEZELCO 1 sa pananagutan ng Enex Electric sa pagkaantala ng pagpapadala ng halos isang buwan. Labag ito sa itinakdang kautusan ng Revised Procurement Act.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.