TUCP pinili ang tambalang Bongbong – Sara

Nakuha nina dating Senator Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte ang suporta ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Ang TUCP ang pinakamalaking organisasyon ng rank-and-file workers sa ibat-ibang industriya sa sektor ng paggawa.

Kasabay nito, inanunsiyo ni TUCP President Raymond Mendoza na anuman araw ngayon linggo ay pormal nilang ieendorso ang Marcos – Duterte tandem.

Kasabay nito, isasapubliko nila ang mga kandidato sa pagka-senador na kanila din susuportahan.

Ayon naman kay TUCP spokesman Alan Tanjusay ang kanilang mga napili ay base sa desisyon ng mayorya ng mga manggagawa.

Samantala, ang kampo ni Marcos ay nagpalabas na rin ng pahayag ukol sa nakuhang endorso mula sa TUCP.

Read more...