Metro Manila mayors, tatalakayin ang magiging alert level sa NCR sa susunod na mga araw
Tatalakayin ng Metro Manila mayors kung ano ang magiging rekomendasyon ng alert level sa National Capital Region sa mga susunod na araw.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority officer-in-charge at general manager Romando Artes, ibabase ng Metro Manila mayors ang desisyon sa data mula sa Department of Health (DOH), Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases, at National Task Force (NTF) Against COVID-19.
Ikukunsidera rin aniya ng mga mayor ang risk classification, healthcare utilization rate, at downward trend ng COVID-19 infections.
Ayon pa kay Artes, dapat isalang-alang din ang pagbigat ng daloy ng trapiko kung ibababa na ang Metro Manila sa Alert Level 1.
Ngayon pa lamang aniya ay nililinis na Mabuhay Lanes, o iyong mga alternatibong daanan ng mga sasakyan.
Pinag-aaralan na rin aniya nila kung palalawakin pa ang coverage ng number coding scheme.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.