Mga bata, na-trauma sa CIDG raid sa isang children’s party

By Jan Escosio February 21, 2022 - 12:04 PM

Labis na apektado ang mga bata na nakasaksi sa pagsalakay ng mga tauhan ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang children’s party sa San Jose del Monte City, Bulacan noong nakaraang Biyernes.

Sa harapan ng mga bata ay inaresto ang isang tauhan ni April Grace Calleja Castro at tinawag pa itong ‘scammer’ habang nagkakasiyahan ang mga bata sa AAC Kids Prime Foundation Inc. compound sa Pecsonville Subd.

Nanindigan naman si Lt. Col. Dave Mahilum, director ng CIDG Bulacan, na lehitimong operasyon ang kanilang ginawa at ito aniya ay nagresulta sa paghuli sa isang tauhan ni Castro at sa kanyang bodyguard na ang bitbit na baril ay walang election gun ban exemption.

Giit naman ni Atty. Claire Castro, abogado ni Castro, malinaw na ang ginawa ng CIDG ay ‘planting of evidence,’ abuse of authority at unlawful arrest.

“Kung wala pang complainant hindi yan matatawag na raid, ito ay isang instigation. Bakit kailangan na sumugod ang CIDG, para mag-plant ng evidence? To justify kung ano ang ginawa nila,” diin ni Atty. Castro.

Nabatid na dahil sa raid ay marami sa mga nakasaksing bata ang diumano’y na-trauma, may nilagnat, nagsusuka at nanginig sa takot.

TAGS: InquirerNews, PNPCIDG, RadyoInquirerNews, InquirerNews, PNPCIDG, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.