Alex Lopez, kasama si Marcos Jr. sa caravan sa Maynila
Buong tapang na sinuyod nina presidential bet Ferdinand Bongbong Marcos Jr. At Manila mayoralty candidate Atty. Alex. Lopez ang lungsod ng Maynila na kilalang balwarte ng kalabang si Manila Mayor Isko Moreno.
Nagkulay pula ang lungsod nang magsimula ang caravan.
Dahil sa dami ng nagtungo sa caravan, hindi na sunod ang physical distancing at iba pang health protocols na itinakda laban sa COVID-19.
Maging ang mga bata at matatanda ay naglabasan din masilayan lamang sina Marcos at Lopez.
Dumalo rin sa caravan ang ka-tandem ni Lopez na si Vice Mayorality Candidate Raymond Bagatsing, at sina Congressman Karlo Lopez at Congresswoman Naida Angping at buong slate ni Lopez.
Kasama rin sa caravan ang senatoriables na sina re-electionist Senator Win Gatchalian at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Maging si Senador Ramon Revilla, Jr. ay sumama sa caravan bilang bahagi ng Agimat Party-list.
Hindi naman nakadalo sa Caravan si Uniteam Vice Presidential Candidate, presidential daugther at Davao Mayor Sara Duterte dahil sa conflict of schedule.
Ayon kay Atty. Lopez, pula ang kulay ng dugo ng bawat Manilenyo kaya sumama at nakiisa ang mga ito para salubugin ang tunay na pagbabago para sa lahat ng Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.