Sinisikap ng National Housing Authority na makagawa ng mga matitibay na warehouse na hindi madaling masisira ng bagyo o lindol.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni NFA Administrator Renan Dalisay na sa ngayon ay inaayos nila ang warehouse sa Ormoc at iba pang bahagi ng Leyte na nasira ng bagyong Yolanda.
Magugunitang nawasak ang mga warehouse sa Leyte nang manalasa ang bagyong Yolanda dahilan para magkaroon ng looting at kakulangan ng suplay ng bigas sa lugar.
Paliwanag ni Dalisay, ang mga ginagawang warehouse ngayon ay mas matatag at kaya ang bagyo kahit may lakas pa ito ng hanging aabot sa 350 kilometers kada oras at lindol na aabot sa Intensity 8./ Chona Yu
MOST READ
LATEST STORIES