Listahan ng mga bansang papayagang makapasok sa bansa na may vaxx certificate, nadagdagan pa

By Chona Yu February 21, 2022 - 01:28 PM

PCOO photo

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force na dagdagan pa ang listahan ng mga bansa na papapasukin sa Pilipinas ang kanilang mamamayan basta’t mayroong vaccination certificate.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, tatanggapin na din sa bansa ang manggagaling ng Egypt, Maldives, Palau, Albania, Estonia, Greece, Malta at Uruguay.

Kamakailan lamang ay 15 mga bansa ang tinanggap at kinilala na rin ng Pilipinas ang kanilang proofs of vaccination.

Ito ay ang Argentina, Brunei, Darussalam, Cambodia, Chile, Denmark, Ecuador, Indonesia, Myanmar, Papua New Guinea, Peru, Portugal, Spain, Azerbaijan, Macau Special Administrative Region at Syria.

Inaatasan naman ng IATF ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation One Stop Shop at Bureau of Immigration na kilalanin lamang ang mga proof of vaccination na aprubado ng Task Force.

TAGS: IATF, InquirerNews, KarloNograles, RadyoInquirerNews, IATF, InquirerNews, KarloNograles, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.