Ping Lacson, sinabing malasado ang pagkasa ng Rice Tarrification Law

Sinabi ni Partido Reporma presidential aspirant Panfilo Lacson na panahon na para muling suriin ang pagpapatupad ng Rice Tarrification Law.

Sa pakikipag-dayalogo kasama ang kanyang running mate na si Senate President Vicente Sotto IIII sa mga magsasaka sa Sta. Rosa, Nueva Ecija, nalaman nila na hindi naman lubos na natutupad ang ilang probisyon sa batas.

Ayon kay Lacson, hindi ganap na napapakinabangan ng mga magsasaka ang dapat na tulong na natatanggap nila base sa mga nakasaad sa batas.

Pag-amin niya, bumoto sila ni Sotto sa pagpasa sa Senado ng panukala dahil nakasaad ang mga magiging pakinabang at benepisyo sa mga magsasaka.

“Bumoto kami para sa mga magsasaka,” diin ni Lacson kaugnay sa pagsang-ayon nila nang ilatag sa plenaryo ng Senado ang panukala.

Read more...