Kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa mundo, sumampa na sa higit 424.99 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 424.99 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 424,990,285 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 80,087,617 cases.

Sumunod na rito ang India na may 42,837,960 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 28,208,212 naman ang kaso sa Brazil habang 22,286,829 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 18,605,752
– Russia – 15,370,419
– Germany – 13,602,431
– Turkey – 13,504,485
– Italy – 12,469,975
– Spain – 10,809,222
– Argentina – 8,827,504
– Iran – 6,942,452
– Netherlands – 6,082,555
– Colombia – 6,047,042

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,906,093 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 350,515,903 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...