Globe nanatiling nangungunang telco sa Pilipinas

By Jan Escosio February 20, 2022 - 11:43 PM

Hindi natinag ang Globe Telecom bilang Number 1 telecommunications company sa bansa.

 

Tumaas ang mobile revenues ng Globe, maging ang data usage sa paglipat ng 10 milyong subscribers mula sa ibang telco companies, partikular na sa PLDT – Smart.

 

Sa kabila ng agresibong marketing strategy ng PLDT – Smart, partikular na ang pagkuha bilang endorsers sa mga sikat na Korean icons at Hollywood star Chris Evans, hindi pa rin naungusan ang Globe.

 

Base sa ginawang disclosure ng Globe sa Philippine Stock Exchange (PSE) kamakailan, iniulat na tumaas ang net income nito ng 27% year-on-year sa P23.7 bilyon noong nakaraang taon.

 

Lumago rin ang service revenues ng Globe ng 4 porsiyento sa P151.5 bilyon noong 2021 mas mataas ng dalawang porsiyento sa naitala noong 2019.

 

Sa mobile business, nakapagtala ang Globe ng P29.4 bilyon, at lumubo pa sa 86.8 milyon ang kanilang subscribers’ base na nagpakita ng pag-angat ng 13 porsiyento.

 

Ang kanilang home broadband segment naman ay nakapag-ambag ng P29.4 bilyon.

 

Sinabi ng mga industry analysts hindi umepekto ang itsratehiya ng pinakamalapit na kakumpetensiya ng Globe na kumuha ng foreign brand endorsers.

 

“Their ad campaigns this year are simpler, have touches of humor and are using less glittery influencers. Notably gone are the flamboyant and grand marketing strategies,” ang obserbasyon ng isang analysis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.