Baguio City Mayor Benjie Magalong may paglilinaw sa larawan nila ni Sen. Francis Pangilinan

Para hindi maakusahan ng pamamangka sa dalawang ilog, agad nagbigay linaw si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa lumabas na larawan ng pagtaas niya ng kamay ni vice presidential aspirant Francis Pangilinan.

 

Sa panayam kay Magalong, sinabi nito nang makipagkita sa kanya si Pangilinan, isang opisyal ang hiniling na itaas nila ang kanilang mga kamay at nagbigay ito ng impresyon ng kanyang pag-endorso.

 

Iginiit nito na si Senate President Vicente Sotto III lamang ang ineendorso niya sa pagkapa-pangalawang pangulo at wala ng iba.

 

Kinumpirma naman ni Sotto na agad din ipinaalam sa kanya ni Magalong ang pangyayari at lubos niya itong naiintindihan.

 

Sabi pa nito, sa pagkakakilala niya kay Magalong, alam niya na mayroon itong isang salita.

 

Magkasama sina Sotto at Magalong, maging si Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson na humarap sa mga negosyante ng Baguio City.

Read more...