Inendorso ng Duterte Volunteer Group ang kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno sa pagka-pangulo.
Ginawa ang pag-endorso kay Moreno nang lumagda sa Manifesto of Support ang mga opisyal at miyembro ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), isang malaking volunteer group na nagpanalo kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential elections.
Mismong si senatorial candidate at dating Agrarian Reform Secretary John Castriciones, na presidente ng MRRD ang nagbigay ng Manifesto of Support kay Moreno sa Isko Moreno Domagoso for President headquarters sa ECJ Building sa Intramuros, Manila.
“Kami po ay sumusuporta sa inyo dahil nakita namin sa inyo ang katapatan para maglingkod sa bayan. Marami rin po tayong kandidato na talagang gustong maglingkod, pero siyempre, ang gusto namin ay yung kandidatong may tunay na pagmamahal sa mga mahihirap,” pahayag ni Castriciones.
“Pangalawa nakita rin po namin kung paano niyo binago ang Manila. Kaya naniniwala po kami, dahil ang Manila ay ang premier city ng ating bansa, kung ano ang magagawa mo sa Manila, magagawa niyo rin sa buong Pilipinas,” dagdag ng kalihim.
Malaki naman ang pasasalamat ni Moreno sa grupo.
“As you all know, I’ve been telling na kailangan ko lahat ng uri ng tulong. Today, I think, pinamalaking suporta na nakuha ko ay manggagaling sa MRRD-NECC. Kasi nakapagpanalo na kayo ng presidente e. Baka makadalawa,” pahayag ni Moreno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.