Isko Moreno, inendorso ni Mayor Fernandez at iba pang Dagupan City officials

By Chona Yu February 19, 2022 - 10:34 AM

Mainit na tinanggap ng mga taga-Dagupan si Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno.

Inendorso ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez at iba pang opisyal ang kandidatura ni Moreno.

“Hinangaan at nagsilbing inspirasyon ng maraming lingkod bayan sa ating bansa, ang lider na kailangan ng bansang Pilipinas at ng buong sambayanang Pilipino, numero 3 sa balota, ang susunod na pangulo ng bansang Pilipinas, Yorme Francisco “Isko Moreno” Domagoso,” pahayag ni Fernandez.

Kabilang sa nag-endorse kay Moreno sina Vice Mayor Bryan Kua at apat na incumbent Councilors.

Aabot sa 115,000 ang botante sa Dagupan.

Nagpasalamat naman si Moreno sa suporta mga taga-Dagupan.

“Maraming maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap sa aming team. Maraming-maraming salamat kay Mayor Belen at sa kaniyang team, at nabigyan kami ng pagkakataon na makausap ang mg taga-Pangasinan,” pahayag ni Moreno.

Ayon kay Moreno, mahalaga ang suporta ni Fernandez at ng mga taga-Dagupan.

“Sa hirap ng buhay na pinagdaanan ko, and I’ve been telling you this, the principle of temperature: anything above zero is positive. So ako, katulad ng nabanggit ko, halimbawa paborito nila si Kandidato A, at lima sila sa pamilya, makadalawa lang ako, okay na. I mean, one way or another, if you add it up, baka,” pahayag ni Moreno.

TAGS: #VotePH, InquirerNews, IskoMoreno, OutVoteOurFuture, RadyoInquirerNews, #VotePH, InquirerNews, IskoMoreno, OutVoteOurFuture, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.