Sa pakikipag-diyalogo ni Pangilinan sa mga magsasaka sa bayan ng Atok, ipinaalam sa kanya ng mga magsasaka na lubha na silang apektado ng pag-aangkat ng gobyerno ng mga gulay.
Aniya karaniwang hinaing na kanyang narinig ay mas pinagmamalasakitan ng gobyerno ang mga produkto mula sa China.
Ayon pa kay Pangilinan, hindi patas ang kompetisyon dahil mas mura pa ang smuggled na mga gulay mula sa China at binabalewala lang ng gobyerno ang mga lokal na magsasaka.
“Dapat bigyang halaga ang ating mga magsasaka at ang kanilang paghihirap na bigyang pagkain ang bawat tahanan. Bakit mas inuuna ang mga imported na gulay na ito? Tiyak na mayroong sabwatan na nangyayari at nagkamal ng malaking kita ang mga taong sangkot dito,” pagdidiin pa nito.
Puna niya nakasanayan na ng Department of Agriculture na mag-angkat sa tuwing may isyu sa suplay ng mga pagkain sa bansa.