Tambalang Ping Lacson – Tito Sotto inendorso ni Baguio City Mayor Benjie Magalong

Nakuha nina Partido Reporma standard-bearer Panfilo Lacson at ng kanyang running mate na si Vicente Sotto III ang isang napakahalagang suporta sa Cordillera Region.

Inendorso ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang tambalan ng dalawang senador.

Sinabi ni Magalong na sa kanyang paniniwala, sa hanay ng mga kandidato, sina Lacson at Sotto ang mabilis na makakapagpabangon sa bansa mula sa mga epekto ng pandemya.

‘He is marangal, consistently marangal, walks his talk, lead by example, dignified, he was able to transform a very corrupt institution, believes in good governance, authentic leadership,” ayon kay Magalong patukoy sa mga katangian na taglay ni Lacson.

Sa bahagi naman ni Sotto, sinabi ni Magalong; “He is brilliant, very professional kaya ang taas ng respeto ko.”

Nasa Baguio City sina Lacson at Sotto at nakipag-diyalogo sa mga mga negosyante, kabilang na mga may-ari  ng mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Read more...