203 Filipino sa Macau, nakauwi na ng bansa

By Angellic Jordan February 18, 2022 - 05:58 PM

DFA photo

Napauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 203 Filipinos galing sa Macau.

Sinabi ng kagawaran na kabilang sa repatriation flight ang tatlong wheelchair-bound passengers na naospital sa Macau kamakailan lamang.

Inasistihan ng konsulado ang tatlong pasahero habang nasa ospital.

Pinangunahan ni Philippine Consul General to Macau SAR Porfirio Mayo, Jr. ang grupo ng konsulado para magabayan ang mga pasahero sa flight.

“Magpapatuloy po ang Repatriation Program ng Konsulado para sa lahat ng ating mga kababayan dito sa Macau,” pagtitiyak ni Consul General Mayo.

Dahil dito, umabot na sa 5,355 na Filipino ang napauwi sa pamamagitan ng 27 repatriation flights ng Philippine Consulate General sa Macau SAR simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic noong March 2020.

Sa mga Filipino na nais nang umuwi ng Pilipinas, maaring magparehistro sa online registry ng konsulado sa link na ito:
https://tinyurl.com/repatMacau

TAGS: COVIDpandemic, COVIDresponse, DFA, InquirerNews, RadyoInquirerNews, repatriationefforts, RepatriationFlight, COVIDpandemic, COVIDresponse, DFA, InquirerNews, RadyoInquirerNews, repatriationefforts, RepatriationFlight

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.