Pilipinas, mayroon pang 65,796 na aktibong kaso ng COVID-19
Mahigit 2,000 muli ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Base sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Biyernes ng hapon (February 18), 2,232 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.
Dahil dito, umakyat na sa 3,648,925 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 65,796 o 1.8 porsyento ang aktibong kaso
946 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 60,252 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,869 ang moderate, 1,422 ang severe, habang 307 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 79 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 55,409 o 1.52 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 3,010 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,527,720 o 96.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.