Manny Pacquiao, hindi magtatalaga ng miyembro ng pamilya sa gabinete

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Walang balak si PROMDI presidential candidate Senator Manny Pacquiao na italaga ang kanyang miyembro ng pamilya sa gabinete.

Ito ay kung papalarin si Pacquiao na manalong Pangulo ng bansa.

Tiniyak pa ni Pacquiao na personal niyang ipakukulong ang mga miyembro ng pamilya na masasangkot sa korupsyon.

Ayon kay Pacquiao, tanging ang mga kwalipikadong indibidwal lamang ang magiging bahagi ng kanyang administrasyon.

Read more...