Pamilya Marcos, hindi pagdidiskitahan ni Moreno ukol sa isyu ng korupsyon

By Chona Yu February 18, 2022 - 02:36 PM

Manila PIO photo

Hindi pagdidiskitahan ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno ang pamilya ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kaugnay sa isyu ng korupsyon.

Sa pangangampanya ni Moreno sa Pangasinan, sinabi nito na dapat na maging pantay-pantay ang pagpapatupad ng batas.

Hindi lang aniya ang mga Marcos ang dapat na habulin kundi maging ang iba pa na sangkot sa korupsyon at papanagutin ang mga nang-abuso, nanggahasa at nang walang hiya.

Wala aniyang mahirap o mayaman lamang ang dapat na makulong bagkus ang mga nagkasala sa batas ang dapat na nakalaboso.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, IskoMoreno, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, IskoMoreno, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.