Dalawang maleta ng pera, tinanggihan ng Ping – Tito tandem

By Jan Escosio February 18, 2022 - 10:20 AM

Photo credit: Sen. Ping Lacson/Facebook

Ibinahagi ni presidential aspirant Panfilo “Ping” Lacson na may nag-alok sa kanila ng kanyang running-mate na si Vicente “Tito” Sotto III ng dalawang maleta na punong-puno ng pera.

Aniya, ang pera ay tulong diumano sa kanilang pangangampaniya.

Gayunpaman, tinanggihan ng dalawa ang pera dahil kapalit nito ang kanilang pirma sa isang panukala.

Sinabi pa ni Lacson na maari naman nilang tanggapin ang tulong kung ito ay walang kapalit.

Sinabi naman ni Sotto na iyon ang prinsipyo nila ni Lacson at ang kanilang katapatan ay sa mga mamamayan.

Sa huli, sinabi ni Lacson na matapos nilang tanggihan ang alok na dalawang maleta na puno ng pera, tinanggap ito ng isang kandidato na hindi na niya pinangalanan.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, lacson, OurVoteOurFuture, Pilipinas, Ping, PingLacson, RadyoInquirerNews, TitoSotto, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, lacson, OurVoteOurFuture, Pilipinas, Ping, PingLacson, RadyoInquirerNews, TitoSotto, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.