Kasabay pa nito ang pagpapabilis ng pagpapabakuna sa mga bata at kabataan.
Dagdag pa nito, kailangan na palaging nasusunod ang Required Health Standards for COVID-19 Mitigation na magkatuwang na inilabas ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) para sa pagbabalik ng in-person teaching.
Kinilala naman ng senador ang epekto ng matagal na pagsasara ng mga paaralan ngunit katuwiran niya, kailangan ding isipin ang mga pangamba sa kaligtasan at kalusugan.
Panawagan lang niya, dapat ay tiyakin na maayos ang bentilasyon sa mga silid-paaralan at hygiene facilities.
“We will take this one step at a time so that we can protect the safety of our students. Huwag natin biglain and let us assess what happens. Kahit ayaw nating maantala ang klase nila, importanteng safe ang mga estudyante,” sabi pa ni Go.