Sen. Bato dela Rosa balak imbestigahan ang pagkawala ng mga sabungero

By Jan Escosio February 18, 2022 - 05:07 AM

Inanunsiyo ni Senator Ronald dela Rosa ang balak na imbestigahan ng pinamumunuan niyang Committee on Public Order ang pagkawala ng higit 20 sabungero.

“Given the urgency of the issue while the Senate is on regular adjournment, I am planning to conduct an inquiry as part of my committee’s oversight function over certain agencies,” sabi ni dela Rosa.

Ayon pa kay dela Rosa batid niya na nagsasagawa na ang pambansang pulisya ng masusing imbestigasyon at nais lamang niya ay magkaroon na ng linaw ang pagkawala ng mga sabungero.

Si Sen. Panfilo Lacson, ang dating namumuno sa nabanggit na komite, sinabi na dapat ay mag-imbestiga na para malaman ang puno’t dulo ng pagkawala ng mga sabungero.

Ibinahagi naman ni Senate President Vicente Sotto III na may nakarating sa kanilang mga impormasyon na nais magsalita ng mga kaanak ng mga sabungero.

Una nang inihayag ng PNP – CIDG na ang modus na ‘tyope’ sa sabong ang maaring ugat ng pagkawala ng mga sabungero.

Inatasan na rin ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.