Higit 450,000 doses ng Pfizer vaccine dumating sa bansa
Muling nadagdagan ang dumating sa bansa na mga bakuna laban sa COVID 19.
Pasado alas-9 kagabi nang lumapag sa NAIA Terminal 3 ang Air Hong Kong flight LD456 na may kargang 455,130 Pfizer vaccine doses.
Nabatid na ang mga bagong dating na bakuna ay binili mula sa ipinautang sa Pilipinas ng World Bank.
May 223,229,820 doses ng ibat-ibang brand ng COVID 19 vaccines ang dumating na sa bansa simula Pebrero ng nakaraang taon.
Samantala, sa datos naman ng Department of Health (DOH) halos 61.9 milyon na ang nabakunahan sa bansa at ang target na bilang ay 77 milyon.
Balak ng gobyerno na sa pagtatapos ng unang kalahati ng taon, 90 milyon na ang bakunado sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.