Babala sa mahilig sa online sabong at casino.
Ito ay dahil sa ipagbabawal na ni PROMDI presidential bet Senator Manny Pacquiao ang dalawnag nabanggit na sugal kung mananalong Pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon.
Sa pangangampanya ni Pacquiao sa lalawigan ng Rizal, sinabi nito na tutol siya sa anumang uri ng sugal.
Bukas din si Pacquiao sa panukalang imbestigahan ang pagkawala ng mahigit 30 sabungero.
Sa ngayon, ayaw munang magbigay ni Pacquiao ng konklusyon kung sabong ang dahilan ng pagkawala ng 30 katao.
MOST READ
LATEST STORIES