Dalawang South Koreans na wanted dahil sa telecom fraud, timbog sa Angeles City

By Angellic Jordan February 17, 2022 - 04:36 PM

Inquirer file photo

Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang South Koreans na wanted dahil sa telecom fraud.

Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sinabi ng BI Fugitive Search Unit (FSU) na naaresto sina Kim Youngsoo, 38-anyos, at Choi Youngsoo, 38-anyos, sa kanilang tinitirhan sa Barangay Baudago, Angeles City noong Araw ng mga Puso (February 14).

Ayon kay FSU acting chief Rendel Ryan Sy, nailabas na ng BI board of commissioners ang deportation order laban sa dalawang dayuhan noong 2015 matapos ipagbigay-alam ng South Korean authorities ang mga krimen nito.

Lumabas din sa record na overstaying sina Kim at Choi, na dumating sa Maynila noong December 13, 2015 bilang ‘temporary visitors’.

Itinuturing na rin ang dalawang dayuhan bilang ‘undocumented aliens’ dahil kinansela na ng South Korean government ang kanilang pasaporte.

Base pa sa datos ng National Central Bureau (NCB) ng Interpol sa Maynila, nahaharap sina Kim at Choi sa arrest warrants na inilabas ng Busan district court sa South Korea.

May kinalaman ang kaso sa pagpapatakbo ng voice phishing operation mula sa Bangkok, Thailand noong March hanggang June 2015, kung saan marami sa kanilang mga kababayan sa Maynila ang naging biktima.

Sangkot umano ang mga suspek sa pag-hack ng mga computer at kinuha ang mga personal na impormasyon ng kanilang mga biktima na nakausap sa telepono matapos magpanggap na bank officers.

Umabot sa humigit-kumulang 196.5 million won o US$164,000 ang kabuuang halaga ng nakuha sa mga biktima.

Sa ngayon, nakakulong ang mga dayuhan sa BI warden facility in Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang implementasyon ng deportation order laban sa kanila.

TAGS: Choi Youngsoo, InquirerNews, Kim Youngsoo, RadyoInquirerNews, Choi Youngsoo, InquirerNews, Kim Youngsoo, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.