Kampo ni VP Robredo, nabahala sa pagbaklas ng posters ng volunteers

By Jan Escosio February 17, 2022 - 04:00 PM

Photo credit: VP Leni Robredo/Facebook

Nabahala si Vice President Leni Robredo nang mabalitaan ang pagbaklas ng campaign posters nila ng kanyang running mate na si Senator Francis Pangilinan sa loob ng bakuran ng kanilang  supporters.

Ito ang sinabi ng kanyang tagapagsalita na si Barry Gutierrez.

Ayon pa kay Gutierrez, ikinukunsidera nila ang paggawa ng mga legal na aksyon laban sa Commission on Elections (Comelec).

Sa kumalat na videos sa social media, mapapanood ang pagpasok ng mga awtoridad sa mga pribadong istraktura at binaklas ang campaign posters nina Robredo at Pangiinan.

“As a lawyer, as isang public servant na talagang mahalagang-mahalaga sa kaniya iyong exercise ng karapatan ng bawat mamamayan, lalo na nitong freedom of speech, malalim iyong kaniyang concern,” sabi ni Gutierrez patukoy kay Robredo.

Dagdag pa nito, umaapela sila sa Comelec na bisitahin muli ang mga polisiya gumagabay sa mga ginagawang pagsuporta sa mga kandidato.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, BarryGutierrez, comelec, InquirerNews, KikoPangilinan, LeniRobredo, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, BarryGutierrez, comelec, InquirerNews, KikoPangilinan, LeniRobredo, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.