Doble-kayod na ang mga rescue workers sa paghahanap ng mga posibleng nakaligtas sa flashfloods at landslides sa lungsod ng Petropolis.
Base sa pinakahuling impormasyon, 94 katao na ang napaulat na nasawi nang magmistulang ilog ang mga kalsada at natangay ang mga bahay at sasakyan.
Ayon sa mga awtoridad ang tubig ng tatlong oras na walang tigil na pag-ulan ay katumbas na ng isang buwan na ulan.
Ginagalugad na ng mga bumbero maging ng mga volunteers ang mga natangay na bahay sa pag-asang may mga nakaligtas matapos na rin mailigtas ang 24 katao.
Nabatid na may 35 pa ang napa-ulat na nawawala sa pagragasa ng magkahalong tubig at putik sa komunidad.
MOST READ
LATEST STORIES