Globe may bagong online learning community

By Jan Escosio February 17, 2022 - 01:49 PM

Patuloy ang pagtuklas ng Globe ng mga pamamaraan para makapag-ambag sa pagbibigay edukasyon sa mga bata.

Binuo at inilunsad ng Globe ang ‘This isKwela,’ hindi lamang para sa mga estudyante kundi maging sa mga propesyunal na mangangailangan ng impormasyon para sa kanilang trabaho at propesyon.

Layon ng ‘virtual classroom’ na pagyamanin pa ang kaalaman ng publiko.

“Bata o matanda, nag-aaral man o hindi basta gustong matuto, lahat puwedeng sumali sa This isKwela. Sa pamamagitan ng programang ito, nasisiguro ng Globe na ang edukasyon ay abot-kamay, isang click lang ng bawat Filipino,” sabi ni Yoly Crisanto, Chief Sustainability Officer at SVP for Corporate Communications ng Globe.

Dagdag pa niya sa pamamagitan ng programa maaring magkaroon ng mga bagong kaibigan para sa pagbabahagi ng kanilang mga kaalaman at karanasan.

May mga propesyunal din sa grupo na handang sumagot sa mga katanungan at kasama sa kanila ang language teachers na sina Angelo Sicat, na kilala sa practical and easy English language lessons sa TikTok at Maureen Madiano na nagtuturo ding ng English at Pilipino sa ibat-ibang social media platforms.

Paniwala pa ni Crisanto napapanahon ang ‘This isKwela’ dahil marami na ang nasa online learning at aktibo sa social media.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.