SIM Card Registration Law panlaban sa ‘Budol-Budol’ – Sen. Gatchalian

Naniniwala si reelectionist Senator Sherwin Gatchalian na matatapos na ang modus na ‘Dugo-Dugo’ at ‘Budol-Budol’ kapag naging ganap ng batas ang panukalang pagpaparehistro sa lahat ng subscriber identification module (SIM) card.

Ayon sa senador, pirma na lamang ni Pangulong Duterte ang hinihintay upang maging ganap ng batas ang SIM Card Registration Act.

“Matutuldukan na sa wakas at maagap nang malulutas ng mga awtoridad ang mga kriminal sa likod ng ganitong klaseng modus kapag naging batas na ang SIM card registration,” aniya.

Sa panukalang-batas, kinakailangan na magpakita ng valid ID ang bibili para sa pagpaparehistro ng SIM card upang magamit ito.

Ang mga may ginagamit ng SIM ay kinakailangan na iparehistro din ito upang hindi made-activate ng public telecommunications entity (PTE) o ng kanilang network.

Walong taon nang isinusulong ni Gatchalian ang panukala at layon niya ay hindi na maging kasangkapan ang anumang gadget na gumamit ng SIM card para sa makapagsagawa ng ilegal na aktibidad, kasama na ang terorismo.

Read more...