Richard Gutierrez bakasyon muna sa ‘Ang Probinsiyano’ para ikampaniya si Pacman

By Chona Yu February 17, 2022 - 11:22 AM

Hindi muna mapapanood ang karakter ni Richard Gutierrez sa teleseryeng ‘Ang Probinsiyano.’

Ito ay dahil magiging abala ang aktor sa pangangampaniya para kay PROMDI presidential aspirant Manny Pacquiao.

Sa panayam kay Annabelle Rama, ina ni Gutierrez, sasama ang kanyang anak sa campaign sorties ni Pacquiao at dagdag pa niya, buong pamilya nila ang sumusuporta sa Pambansang Kamao.

Sa pagkakapili naman ng kanyang pamilya kay Pacquiao, sinabi ni Rama na walang isyu ng korapsyon, malinis ang record at malaki ang takot sa Diyos ng senador.

Dinipensahan din nito si Pacquiao sa mga umaalipusta sa kanyang kakayahan sa katuwiran na hindi tatagal bilang mambabatas ang kanilang kandidato kung walang sapat na kaalaman at kakayahan.

Kasama si Rama sa pangangampaniya ni Pacquiao sa Rizal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.