Pagbaba sa Alert Level 1 ng Metro Manila pag-uusapan ng IATF ngayon

By Jan Escosio February 17, 2022 - 11:13 AM

Pag-uusapan ngayon araw sa pulong ng Inter Agency Task Force (IATF) ang posibilidad na ibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila.

Kasunod ito nang pagkumpirma ng Department of Health (DOH) na bumaba na sa ‘low risk category’ ang Kalakhang Maynila.

Sinabi ni Interior Sec. Eduardo Año na babalangkas ang Technical Working Group (TWG) ng komprehensibong alintuntunin para sa pagpapairal ng Alert Level 1.

“Malayo pa ang March 1. Kailangan pag-isipan muna nating mabuti. Hindi yan automatic kasi siyempre madaling sabihin mababa na pero tingnan mo yung Hong Kong ngayon. Ang Hong Kong matindi yung surge nila . Talagang 90 percent yung kanilang ano, utilization ng hospital, ng hospital care,” sabi ng kalihim.

Gayundin din aniya ang nangyari sa South Korea.

Sabi pa ni Año kapag ibinaba ang Alert Level 1, mawawala na ang lahat ng restrictions at ang patuloy na ipapatupad na lamang ang ay minimum public health standards.

Nabanggit din nito ang pangangampaniya para sa papalapit na eleksyon na kailangan ikunsidera talaga sa ilalabas na resolusyon ng IATF.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.