2nd nationwide earthquake drill, ikinakasa ng MMDA

By Kathleen Betina Aenlle May 16, 2016 - 04:21 AM

 

Inquirer file photo

Inanunsyo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng pangalawang nationwide earthquake drill sa susunod na buwan.

Sa panayam kay MMDA Chair Emerson Carlos, sinabi niya na maging ang mga pasahero ng MRT ay kasama sa earthquake drill.

Pinaalala niya na oras na marinig ng mga pasahero ang tunog ng sirena sa June 22, kailangan nilang bumaba sa mga istasyon, at tumungo sa isang open space para mapanatiling ligtas ang kanilang mga sarili.

Ayon pa kay Carlos, hindi naman kailangan ng mga tao na pumunta sa apat na quadrants na itinalaga ng MMDA sa Metro Manila.

Una na kasi nilang hinati sa apat ang Metro Manila para mas mapabilis ang pag-responde sa disaster.

Aniya, hindi naman evacuation centers ang mga ito, kundi mga command centers ng local government units na panggagalingan ng mga relief goods.

Nanawagan rin siya sa mga pribadong sektor na makiisa at maging handa rin lalo na sa kung saan nila maaring dalhin ang kanilang mga empleyado sakaling magkaroon ng sakuna.

Ipapagamit rin ng Philippine Coast Guard ang kanilang mga gamit para maisakatuparan nang mas maayos ang nationwide earthquake drill.

Gagamit rin aniya ang MMDA ng thermal at sonar equipment para dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.