DOLE, tiniyak sa ILO ang pag-iimbestiga sa harassment sa labor unions
Siniguro ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa International Labour Organization (ILO) na may mga ginawa ng hakbang ukol sa mga sumbong na paglabag sa mga karapatan ng mga union ng manggagawa.
Ginawa ito ng DOLE matapos banggitin sa isang ulat ng ILO ang mga bagong alegasyon ng karahasan at pananakot sa mga manggagawa.
Paliwanag ng kagawaran, may mga administratibong mekanimos at legal na pamamaraan na tumutugon sa mga kaso ng paglabag sa karapatan ng mga manggagawa at union.
“Ang mga ulat o alegasyon ng paglabag sa karapatan ng mga manggagawa ay tinutugunan ng national at regional tripartite monitoring body,” pagtitiyak ni Sec. Silvestre Bello III.
Nabanggit nito na sa 60 kaso ng extrajudicial killing at tangkang pagpatay sa ilalim ng administrasyong Duterte ang patuloy na tinutukan ng RTMB.
May 20 kaso na nakabinbin sa korte at ang iba naman ay iniimbestigahan pa ng mga awtoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.