‘Sweetheart deals’ ng SRA, mga kompaniya ibinuko ni Sen. Marcos

By Jan Escosio February 16, 2022 - 07:10 PM

Maaring nalaman na ni Senator Imee Marcos ang dahilan sa pag-aangkat ng asukal.

Hiniling ni Marcos sa Sugar Regulatory Administration (SRA) na ipaliwanag ang tinawag niyang ‘sweetheart deals’ nito sa malalaking kompaniya na gumagamit ng refined and bottler’s grade sugar.

Dagdag pa ni Marcos, isang araw matapos ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon para sa importasyon, nakuha ng isang malaking softdrinks manufacturer at iba pang processors ng sugared products ang libu-libong tonelada ng asukal.

Gumamit pa aniya ang mga ito ng mga negosyante bilang ‘fronts’ para makapagpasok ng mas maraming imported na asukal.

“Why is the SRA so enamored of importation? What vows did manufacturers of sugared products make to get the SRA’s ‘I do?,” ang makabuluhang tanong ni Marcos.

Una nang sinabi ng SRA na malaking pinsala sa industriya ang idinulot ng pananalasa ng bagyong Odette kaya’t kailangang mag-angkat ng 200,000 metriko tonelada ng asukal.

Ngunit sumbong naman ng sugar farmers kay Marcos, isang sugar mills lamang ang nagsara dahil sa bagyo at ang lahat ay may operasyon.

TAGS: ImeeMarcos, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RefinedSugar, SRA, Sugar Regulatory Administration, ImeeMarcos, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RefinedSugar, SRA, Sugar Regulatory Administration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.