4 iniulat na nasawi sa bakbakan ng dalawang angkan sa Maguindanao

May 16, 2016 - 04:14 AM

 

Maguindanao-mapNasa apat katao ang iniulat na nasawi nang magpang-abot ang dalawang magka-away na pamilya dahil sa isyu ng pulitika sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Sr. Inspector Freddie Solar ng bayan ng Talitay, sangkot sa bakbakan ang magkalabang angkan ng Sabal at Buisan.

Pinagtatalunan umano ng dalawang grupo ang pagkapanalo ni Muntasin Sabal sa eleksyon sa halalan, kung saan natalo nito ang kandidatong sinusuportahan ng pamilya Buisan.

Ngunit bago pa ito, isa nang miyembro ng pamilya Buisan ang napatay isang araw bago ang May 9 elections na humantong sa tatlong serye pa ng karahasan na ikinasawi ng tatlo pang biktima.

Nasa 15,000 katao na umano ang napilitang lumikas sa lugar sa pangambang madamay sa bakbakan ng dalawang pamilya.

Diumano, may kaugnayan din sa mga grupo ng MILF at MNLF ang dalawang pamilya.

Nagpadala na ng responde ang militar ng karagdagang puwersa sa lugar upang matigil ang tensyon sa dalawang panig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.