Nagsagawa ang Land Transportation Office (LTO) ng Caravan sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Makati City.
Tumulong ang ahensya sa motor vehicle at motorcycle registration renewal sa ilang motorista.
Base sa datos, umabot na sa 63 sasakyan ng MMDA at 59 na pribadong sasakyan ang nairehistro nito.
Tiniyak ng LTO na isinasailalim sa masusing inspeksyon ang bawat sasakyan bago ang LTO registration o renewal.
Layon nitong masiguro na nananatiling road-worthy ang mga sasakyan.
MOST READ
LATEST STORIES