Inanunsiyo ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagkakatalaga kay Leah Tanodra-Armamento bilang bagong chairperson.
Papalitan ni Tanodra-Armamento si dating Chair Jose Luis Martin ‘Chito’ Gascon na pumanaw noong 2021 dahil sa mga kumplikasyon dulot ng COVID-19.
Sinabi ng CHR na hindi bago si Tanodra-Armamento sa komisyon dahil nagsilbi na ito bilang Commissioner sa Fifth Commission en banc.
Nagtrabaho rin ang bagong CHR chair sa Office of the Solicitor General bilang Associate Solicitor ng limang taon, kung saan inasistihan nito ang solicitors sa habeas corpus cases.
Pagkatapos nito, nalipat si Tanodra-Armamento sa Department of Justice (DOJ) at mula sa State Prosecutor, naging Senior State Prosecutor simula 1991 hanggang 2003.
Taong 2003, naitalaga rin si Chair Tanodra-Armamento bilang DOJ Assistant Chief State Prosecutor, kung saan pinamunuan nito ang legal panel ng Government of the Philippines (GPH) sa kasagsagan ng 1996 Review of the Final Peace Agreement’s Implementation sa pagitan ng GPH at Moro National Liberation Front (MILF). Matapos ito, napwesto rin siya bilang DOJ Undersecretary.
Nakapagtapos si Tanodra-Armamento ng Bachelor of Laws sa Ateneo De Manila University School of Law. Nag-aral din ang bagong CHR chair sa Harvard University’s John F. Kennedy School of Government noong 2007.
“”The appointments of the present Commission en banc—namely, Commissioner Karen Gomez-Dumpit, Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, and Commissioner Roberto Eugenio Cadiz—will expire on 5 May 2022,” dagdag ng CHR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.